Childhood days are the best moments to capture.
Nephew/godson Kingsley Mcreeve “Mucho”
Hooray for today!
Mcdonalds with best friend and her sibs

KARAMPOT NA PAHINGA
Maagang naghudyat ang pagtatapos ng linggo
Umabante ng isa’t kalahating oras nang di ko inaasahan
Wala pang plano sa isip ko, luluwas o magtutuos na naman ng numero
Palalampasin ko pa ba ‘tong ilang araw ko ring inasam
Ngunit may mga naipit pang gawaing pang-dyaryo
Nabawi ko rin ang tulog na laging pinagkakait
Maganda ang panahon na ipinagkaloob ng langit
Fiestang bayan ay hindi ko natikman
Sa halip sa mga pira-pirasong salita ako’y nakipagsabayan
Isang araw na naman ang kay bilis lumisan
Walang lubos naibanat ng buto sa maghapon
Mga gawaing naitakda ay naibaon
Nakayakap na naman sa mala-ulap kong unan
Binigyan ng konteng pahinga ang aking pilikmata
Ito na nga talaga ang karampot na pahinga
1 note♥ | →Reblog this post







